TUMAAS ang rice stocks ng bansa noong Hunyo habang bumaba ang sa mais, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa ulat ng PSA, hanggang noong Hunyo 1, ang total rice stocks inventory ay tinatayang nasa 2.16 million metric tons, tumaas ng 19 percent mula 1.82 million metric tons inventory sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang rice stocks ay tumaas din ng 4.2 percent mula sa imbentaryo na 2.08 million metric tons noong Mayo.
“This month’s rice stocks inventories registered annual increases from the NFA depositories by 62.5 percent and from the commercial sector by 56.7 percent. On the other hand, an annual decrease was noted from the households by 21.3 percent,” ayon sa PSA.
Ang presyo ng bigas ay inaasahang bababa simula ngayong buwan dahil sa paghupa ng global prices.
Sinisi ng pamahalaan ang nakaraang El Niño phenomenon sa pagtaas sa presyo ng bigas sa huling bahagi ng 2023 hanggang kaagahan ng 2024.
Samantala, iniulat ng PSA na hanggang Hunyo, ang total corn stocks inventory ng bansa ay bumaba ng 15.3 percent sa 750.76 thousand metric tons.
“About 93.6 percent of this month’s total corn stocks inventory were from the commercial sector, while the remaining 6.4 percent were from the households,” ayon sa PSA.
Ang mais ay pangunahing ginagamit na pakain sa livestock at poultry.