MAY 2.99 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Hunyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang numero ay bahagyang tumaas mula sa 2.93 milyon na naitala noong Mayo.
Nanatili ang national joblessness rate aa 6% sa naturang panahon, ang pinakamababa pa rin magmula sa kasagsagan ng COVID-19 lockdowns noong Abril 2020. Karamihan sa mga lugar sa Pilipinas, kabilang ang Metro Manila, ay nasa ilalim ng pinakamaluwag na Alert Level 1 noong Hunyo.
Ayon sa PSA, ang numero noong Hunyo ay naghatid sa average unemployment rate para sa 2022 sa kasalukuyan sa 6%, ang pinakamababa sa gitna ng global health crisis ngunit mas mataas sa 5.1% noong pre-pandemic 2019.
“During the month, wholesale and retail trade and repair of vehicles and motorcycles shed the most jobs from May at 1.22 million. Other major losers were manufacturing, accommodation and food service, transportation and storage, along with financial and insurance activities,” sabi pa ng PSA.
Samantala, may 5.89 million underemployed Filipinos noong Hunyo, o yaong naghahanap ng mas maraming work-hours o mas magandang job opportunities.
Ang 780,000 month-on-month reduction ay naghatid sa underemployment rate sa 12.6%, mas mababa kumpara sa 14.5% noong Mayo.
Ang underemployment rate noong Hunyo ang second lowest magmula noong kasagsagan ng global health crisis, sumunod sa 12.3% noong Mayo ng nakaraang taon.
“In other words, talagang bumalik na ang sigla ng ating economy based on the numbers,” sabi ni National Statistician Dennis Mapa.
Nasa 46.59 million naman ang employed persons na may edad 15 at pataas sa nasabing panahon, tumaas ng 508,000 month-on-month. Ang employment rate ay matatag sa 94%.
Ang agriculture and forestry ay nagdagdag ng 1.26 milyong trabaho noong Hunyo, ang pinakamalakas na performance sa subsectors. Sumusunod dito ang public administration and defense, education, mining and quarrying, at iba pang service activities.