(Noong Marso) UTANG NG PINAS BUMABA SA P14.93-T

NABAWASAN ang utang ng Pilipinas ng 1.67 percent sa P14.93 trillion hanggang noong katapusan ng Marso ngayong taon dahil sa net redemption ng domestic government securities.

Sa isang statement nitong Huwebes, sinabi ng Bureau of the Treasury (BTr) na sa kabuuang utang, 68.86 percent ang domestic debt habang 31.14 percent ang external debt.

Bumaba ang domestic debt, na nagkakahalaga ng P10.28 trillion, ng 2.83 percent mula sa end-February level.

“The decline resulted from the PHP299.45 billion net redemption of government securities offsetting the PHP0.24 billion effect of peso depreciation on foreign currency domestic debt,” sabi ng BTr.

Ayon sa ahensiya, ang piso ay humina kontra US dollar mula P56.174 hanggang end-February 2024 sa P56.260 hanggang end-March 2024.

Samantala, ang external debt ay umabot sa P4.65 trillion, tumaas ng 1 percent mula sa end-February level.

Sinabi ng BTr na ang pagtaas ay resulta ng net availment ng foreign loans na nagkakahalaga ng P44.01 billion, gayundin ng local currency depreciation, na dumagdag sa valuation ng US dollar-denominated debt ng P7.05 billion.

(PNA)