UMABOT sa $70.26-million na foreign investments o “hot money” na nakarehistro sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang lumabas ng bansa noong Marso.
Mas mababa ito sa $531.27-million net outflows noong Pebrero, at sa $305.08-million na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ang gross outflows para sa buwan ay umakyat sa $1.326 billion mula $1.211 billion noong Pebrero, habang ang gross inflows ay tumaas sa $1.255 billion mula $679.96 million.
Karamihan o 64.6% ng investments para sa buwan ay nasa Philippine Stock Exchange, unang-una sa mga bangko, property, holding firms, food, beverage, at tobacco and transportation services. Ang nalalabing inflows ay napunta sa peso government securities, at iba pang instruments.
Ang top investing countries noong nakaraang buwan ay ang United Kingdom, the United States, Singapore, Luxembourg, at Norway na bumubuo sa 86.4% ng total investments.
Ang latest figures ay naghatid sa year-to-date investments sa $309.42 million sa net outflows. Ang gross outflows ay nasa $3.249 billion, habang ang net inflows ay $2.939 billion.