TUMAAS ang gross international reserves (GIR) level ng bansa sa $100.2 billion noong Marso, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang pinakahuling GIR level ay nagrerepresenta ng higit sa sapat na external liquidity buffer na katumbas ng 7.5 buwan na halaga ng imports ng goods at payments of services, at primary income.
Ito ay anim na beses din ng short-term external debt ng bansa batay sa original maturity, at 4.2 times batay sa residual maturity.
“The month-on-month increase in the GIR level reflected mainly the National Government’s (NG) net foreign currency deposits with the BSP, the upward revaluation of the BSP’s gold holdings due to the increase in the price of gold in the international market, and net income from the BSP’s investments abroad,” dagdag pa ng central bank.