(Noong Mayo) COLLECTION TARGET NAHIGITAN NG BOC

NALAMPASAN ng Bureau of Customs (BOC) ang  collection target nito sa ika-5 sunod na buwan ngayong taon, kung saan nagtala ang ahensiya ng P2.13 billion surplus.

Sa preliminary data ng BOC, ang ahensiya ay nakakolekta ng kabuuang P81.75 billion, mas mataas ng 2.68 percent sa 2024 revenue target nito na P79.62 billion. Ang koleksiyon noong nakaraang buwan ay mas mataas ng 4.9 percent kumpara sa P77.93 billion na nakolekta noong Mayo ng nakaraang taon.

 Mula Enero hanggang Mayo ngayong taon, ang cumulative collection  ng BOC ay umabot sa P381.35 billion, nahigitan ang target na P366.05 billion na itinakda para sa unang limang buwan ng taon.

Ang overall collection para sa unang limang buwan ng 2024 ay katumbas ng  6.13 percent pagtaas mula P359.16 billion total collection sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa isang statement, sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na ang magandang revenue collection performance ay dahil sa tuloy-tuloy na monitoring sa values at classifications ng imported commodities upang matiyak ang tamang duty at  tax collection.

“Non-traditional sources, such as audits and public auctions, also boosted revenue collection, while intensified border control and improved trade facilitation contributed to consistent revenue efficiency,” sabi ni Rubio.

Aniya, ang mga pagsisikap na ito ay hindi lamang nagpataas sa koleksiyon kundi napigilan din ang smuggling at illegal activities, na nagresulta sa mas mataas na revenue collection.

“Guided by President Ferdinand R. Marcos Jr., the BOC remains steadfast in its commitment of enhancing revenue collection and contributing to the economic growth of the country. We are proud of this achievement and will continue to work tirelessly to maintain this positive momentum,” dagdag pa niya.                    

(PNA)