(Noong Mayo) OFW CASH REMITTANCES PUMALO SA $2.58-B

TUMAAS ang cash remittances mula sa overseas Filipinos noong Mayo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, ang perang ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko ay pumalo sa $2.58 billion noong May 2024, tumaas mula $2.562 billion noong April, at mas mataas ng 3.6 percent kumpara sa $2.49 billion na naitala noong May 2023.

Ayon sa central bank, ang pagtaas ay dahil sa mas maraming  receipts mula sa  land at  sea-based workers.

“Cash remittances from January to May hit $13.37 billion, up 3 percent from the $12.98 billion seen in the same period last year,” sabi pa ng BSP.

Karamihan sa cash remittances ay nagmula sa United States, Saudi Arabia, at Singapore.

Ang US ang may pinakamalaking share sa overall remittances sa naturang panahon kasunod ang  Singapore at  Saudi Arabia.

Samantala, ang personal remittances — ang kabuuan ng transfers na ipinadala ng cash o in-kind via informal channels — ay naitala sa  $2.884 billion, tumaas mula  $2.859 billion noong April at mas mataas ng 3.7% kumpara sa $2.782 billion noong May 2023.

“The increase in personal remittances in May 2024 was due to remittances from land-based workers with work contracts of one year or more and sea- and land-based workers with work contracts of less than one year,” ayon sa BSP.

Sa unang limang buwan ng taon, ang total personal remittances ay umabot sa $14.89 billion mula $14.459 billion.

Ang remittances ang nagpapalakas sa household consumption sa bansa, na isa sa main drivers ng ekonomiya.

Sa first quarter ng 2024, ang household consumption ay lumago ng 4.6 percent.