SA KABILA ng mataas na interest rates ay lumago ang bank lending at domestic liquidity noong Mayo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa preliminary data na inilabas ng BSP ay lumitaw na ang outstanding loans of universal and commercial banks (U/KBs) ay tumaas ng 10.1 percent year-on-year noong Mayo mula 9.6 percent noong Abril.
“Loans to residents increased by 10.2 percent in May from 9.6 percent in April, while outstanding loans to non-residents went up at a slower rate of 8.1 percent in May from 10.8 percent in the previous month,” ayon sa central bank.
Tumaas din ang consumer loans to residents ng 25.6 percent noong Mayo mula 25.3 percent noong Abril, sa likod ng pagtaas sa credit card, motor vehicle, at salary-based general purpose consumption loans.
Ang loans for production activities ay lumago naman ng 8.4 percent noong Mayo mula 7.8 percent noong Abril.
Sinabi ng BSP na ito ay dahil sa loans sa major sectors kabilang ang real estate activities (13.2 percent); wholesale and retail trade, and repair of motor vehicles and motorcycles (11.1 percent); manufacturing (10.1 percent); transportation and storage (26.7 percent); at electricity, gas, steam, and airconditioning supply (7.7 percent).
Samantala, lumago ang domestic liquidity (M3) ng 6.5 percent year-on-year sa P17.4 trillion noong Mayo mula 5.6 percent noong Abril.
Ang domestic claims ay tumaas ng 10.7 percent year-on-year noong Mayo kapareho sa naunang buwan.
Lumago naman ang claims sa private sector sa 11.6 percent mula 10.9 percent noong Abril dahil sa sustained expansion sa bank lending sa non-financial private corporations at households.
Pinanatili ng BSP ang benchmark rate nito sa16-year high na 6.5 percent sa kanilang huling policy-setting meeting sa layuning mapahupa ang inflation.