(Noong Mayo) PH AUTOMOTIVE SALES TUMAAS

TUMAAS ang bentahan ng sasakyan noong Mayo, ayon sa datos na inilabas ng local manufacturers nitong Martes.

Sa joint report ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at ng Truck Manufacturers Association (TMA) ay lumitaw na may 40,271 units ang naibenta noong nakaraang buwan, tumaas ng 7.3% mula sa 37,314 units na naipagbili noong Abril at mas mataas ng 5.5% kumpara sa 38,177 units na naibenta noong May 2023.

“Improvements in supply and good consumer demand, coupled with an increase in the automotive financial scheme and extensive sales activities, helped boost sales on a month-on-month basis,” sabi ni CAMPI president Rommel Gutierrez sa isang statement.

Ang benta para sa Mayo ay kinabibilangan ng 10,967 units ng passenger cars, 29,304 ng commercial vehicles, 6,769 ng Asian utility vehicles, 21,572 ng light commercial vehicles, 531 ng light-duty trucks and buses, 369 ng medium-duty trucks and buses, at 63 ng heavy-duty trucks and buses.