NAGTALA ang foreign investments ng net inflows na $96.59 million noong Nobyembre, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sinabi ng BSP na ang net inflows mula sa mga transaksiyon sa foreign investments na nakarehistro sa BSP ay resulta ng $1.86 billion gross inflows at gross outflows na $1.76 billion para sa buwan.
Ang naitalang net inflows ay reversal ng $529.68 million net outflows na naiposte noong October 2024.
Ayon sa BSP, ang $1.86 billion registered investments para sa buwan ay mas mataas ng $381.54 million o ng 25.8 percent sa gross inflows na $1.47 billion noong Oktubre.
Sa naturang buwan, 71.4 percent ng registered investments ay nasa Peso GS ($1.32 billion) habang ang nalalabing 28.6 percent ay nasa PSE-listed securities ($531.71 million), karamihan sa mga ito ay pinuhunan sa mga bangko, holding firms, property, transportation services at sa food, beveragae and tobacco.
Ayon sa central bank, karamihan sa investments noong nakaraang buwan ay nagmula sa United Kingdom, Singapore, United States, Luxembourg, at Norway.
Ang $1.76 billion gross outflows para sa buwan ay mas mababa ng $244.73 million o ng 12.2 percent kumpara sa gross outflows na $2 billion na naitala noong October 2024.
Ang US ay nanatiling top destination ng outflows, na tumanggap ng $914.20 million (o 51.8 percent) ng total outward remittances.
Year-on-year, ang registered investments noong November 2024 na nagkakahalaga ng $1.86 billion ay mas mataas ng $286.55 million, o ng 18.2 percent, kumpara sa $1.57 billion noong November 2023, habang ang gross outflows ay tumaas ng $861.72 million o ng 95.4 percent mula $903.10 million. na naitala sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Ang net inflows na $96.59 million para sa November 2024 ay mas mababa ng $575.18 million o ng 85.6 percent kumpara sa net inflows na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2023 na $671.77 million.