(Noong Nobyembre) BANK LENDING LUMAGO

TUMAAS ang bank lending noong November 2024, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa isang statement, sinabi ng BSP na ang mga pautang ng universal and commercial banks ay lumago ng 11.1 percent year-on-year noong Nobyembre.

Tumaas din ang pautang sa mga residente ng 11.3 percent noong Nobyembre mula 10.7 percent noong Oktubre.

Ayon sa BSP, ang mga pautang para sa production activities ng mga negosyo ay tumaas sa 9.8 percent noong Nobyembre, mula 9.1 percent noong Oktubre.

Ito ay dahil sa mas maraming pautang sa wholesale and retail trade, repair of motor vehicles and motorcycles (9.1 percent); electricity, gas, steam, and air-conditioning supply (9.6 percent); at financial and insurance activities (4.4 percent).

Tumaas din ang consumer loans ng 23.3 percent noong Nobyembre dahil sa mas maraming credit card at car loans.

Samantala, iniulat ng central bank ang paglago ng domestic liquidity ng 7.7 percent noong Nobyembre.

Nagsimulang babaan ng BSP ang interest rates noong Agosto nang magpakita ang inflation ng mga senyales ng paghupa.

Ibinaba ng BSP ang benchmark target reverse repurchase rate nito sa 5.75 percent noong Disyembre.