(Noong Nobyembre) CAR SALES TUMAAS NG 7.6%

TUMAAS ang car sales ng 7.6 percent noong nakaraang buwan, ayon sa report na inilabas ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) at ng Truck Manufacturers Association (TMA).

Batay sa joint report, ang car sales noong Nobyembre ay umabot sa 37,683 units, tumaas mula sa 35,037 units noong Nobyembre 2022.

Ang passenger car sales ay tumaas ng 7.1 percent sa 9,569 units noong Nobyembre mula  8,931 units sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, habang ang commercial vehicle sales ay tumaas din ng 7.7 percent sa 28,114 units mula 26,106 units sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.

Year-to-date, ang car sales ay tumaas ng 23.9 percent sa 390,654 units mula 315,337 units sa kaparehong panahon dahil sa mas mataas na benta kapwa ng passenger car at commercial vehicle,

Kumpiyansa si CAMPI president Rommel Gutierrez na malalampasan ng automotive industry ang pre-pandemic sales ngayong taon.

“We already achieved 92 percent of our 2023 forecast in November. We may even exceed our sales forecast of 423,000 units if sales performance in the last three months is sustained,” ani Gutierrez.

Aniya, ang  vehicle sales ay itinutulak ng patuloy na agresibong marketing activities at supply improvement sa lahat ng brands.                      (PNA)