BAGAMA’T bumagal ang food inflation sa 5.8% noong Nobyembre mula 7.1% noong Oktubre, ang rice inflation ay sumipa year-on-year sa 15.8% mula 13.2% habang ang itlog, gatas, at iba pang dairy products ay bumilis sa 7.6% mula 7.5%.
Ayon kay National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, ang bigat ng bigas sa food basket ay nasa 8.9% habang ang itlog ay nasa 1.16%.
Gayunpaman, sinabi ni Mapa na ang mas mababang inflation prints sa karne, prutas, harina at bread products, ready-made foods bukod sa pagbaba ng inflation sa mga gulay ay nag-ambag sa overall decline sa food inflation sa kabila ng mas mataas na presyo ng bigas at itlog.
Samantala, ang non-food inflation ay bumagal pa sa 2.9% noong Nobyembre mula 3.4% sa naunang buwan, na resulta ng deflation sa transportasyon sa -0.8% mula 1.0% at mas mabagal na inflation sa restaurant and accommodation services sa 5.6% mula 6.3%.
Naitala rin ang annual decreases sa indices ng sumusunod na commodity groups noong nakaraang buwan:
- Alcoholic beverages and tobacco, 9% mula 9.3%
- Clothing and footwear, 4.3% mula 4.8%
- Housing, water, electricity, gas and other fuels, 2.5% mula 2.6%
- Furnishings, household equipment and routine household maintenance, 4.7% mula 5.3%
- Health, 3.8% mula 4.0%
- Information and communication, 0.6% mula 0.8%
- Recreation, sport and culture, 4.9% from 5.0%
- Education services, 3.5% mula 3.8%
- Personal care, and miscellaneous goods and services, 4.8% mula 5.3%
Kapareho sa national trend, ang inflation sa National Capital Region ay bumagal din sa 4.2% noong Nobyembre mula 4.9% noong Oktubre sanhi ng mas mabagal na pagtaas sa food and transport prices.
Bumagal din ang inflation sa labas ng Metro Manila sa 4.1% mula 4.9% month-on-month sa gitna ng mas mabagal na pagtaas sa food and transport costs.
Ang lahat ng rehiyon sa labas ng NCR ay nagtala ng mas mabagal na inflation rates noong Nobyembre kumpara noong Oktubre 2023, maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa mga rehiyon, ang Region II (Cagayan Valley) ang nagposte ng pinakamababang inflation rate sa ikalawang sunod na buwan sa 2.4%, habang ang BARMM ang nagtala ng pinakamataas na inflation sa 5.9% sa nasabing buwan.
Ang inflation na naramdaman ng bottom 30% income households ay bumagal din sa 4.9% mula 5.3% noong Oktubre dahil ang Food and Non-Alcoholic Beverages index ay bumaba sa 7.2% mula 7.6% habang ang Transport ay bumagal sa 0.9% mula 2.3%.