(Noong Nobyembre) UTANG NG PH RECORD-HIGH SA P14.51-T

LUMOBO ang utang ng Pilipinas sa bagong record high noong Nobyembre, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Sa datos na inilabas ng BTr, ang utang ng bansa hanggang noong katapusan ng Nobyembre 2023 ay nasa P14.51 trillion, tumaas ng 0.19% mula P14.48 trillion noong Oktubre 2023.

Sinabi ng ahensiya na ang pangunahing dahilan ng paglaki pa ng utang ng bansa ay ang net issuance ng domestic securities.

Sa kabuuang utang ng Pilipinas, ang lion’s share o 69.09% ay domestic debts habang ang nalalabing 30.91% ay nagmula sa foreign sources

Ang  domestic borrowings ng bansa ay may kabuuang P10.02 trillion, tumaas ng 1.23% mula P9.9 trillion noong Oktubre 2023 dahil sa net issuance ng government securities.”

“New domestic debt issued during the month totaled P171.091 billion while principal redemption amounted to P45.14 billion, underlying a net issuance of P125.95 billion,” ayon sa BTr.

Gayunman, ang pagtaas ng domestic debt ay bahagyang na-offset ng  P3.87-billion effect ng paglakas ng piso kontra foreign currency-denominated domestic securities.

Year-to-date, ang domestic debt ay nagtala ng pagtaas na P816.02 billion o 8.86%.

Samantala, ang external debt ng bansa ay nasa P4.48 trillion, bumaba ng 2.06% mula  P4.6 trillion noong Oktubre.

“For November, the lower level of external debt was due to the net repayment of foreign loans amounting to P1.08 billion and favorable foreign exchange movements, wherein the P109.37 billion reduction attributed to peso appreciation against the US dollar far exceeded the upward adjustment linked to third-currency appreciation of P16.30 billion,” ayon sa Treasury.