(Noong Nobyembre)P455-B NAGASTOS NG GOBYERNO

UMABOT sa P455 bilyon ang nagastos ng gobyerno noong Nobyembre.

Mas mataas ito ng 10.24% o mahigit P42-B kumpara sa nagastos sa kaparehong buwan noong 2021.

Ang departamentong may pinakamabilis na gastos ay ang capital outlay projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Malaki rin ang ginastos ng pamahalaan sa pagbibigay o payouts kaugnay sa social protection programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bukod sa dalawang naturang ahensiya, kasama rin sa pinaggastusan ng pamahalaan ang year-end bonus at cash gift para sa government workers at ang National Tax Allotment sa mga nasa lokal na pamahalaan.

DWIZ 882