(Noong October 2024) MGA PINOY NA NANGUTANG DUMAMI PA

LUMOBO pa ang bilang ng mga Pilipino na nangutang noong nakaraang Oktubre habang papalapit ang Kapaskuhan.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), 23.6% ng mga Pinoy ang umutang noong October 2024, mas mataas kumpara sa 23.4% noong September 2024. Kinabilangan ito ng credit card, motorcycle loans at salary-based general purpose consumption loans.

Sinasabing posibleng debt-trap na ang isang indibidwal na sanay nang mangutang tuwing nagigipit dahil sa kakulangan ng income.

Gayunman, iminungkahi ng BSP sa mga baon sa utang para makaalagwa ang “debt stacking” kung saan unahing bayaran ang may pinakamataas na interes; pangalawa “debt snowball” o pangalawang bayaran ang may pinakamaliit na balance o amount;
Pangatlo, “loan restructuring” o kausapin at hilingin sa bangko o lenders na gawing flexibles at affordable ang pagbabayad nang walang penalty.

Samantala, payo ng financial experts na maghinay-hinay sa paggastos at para maging debt-free ngayong 2025, maglista ng naaayon sa life style at matutong mag-stick sa budget at huwag maniwala sa sinasabing “deserved ko ito” kapag kumikita ng malaking halaga.