(Noong Oktubre) 1.97M PINOY WALANG KAYOD

TUMAAS ang bilang ng mga walang trabahong Pinoy noong Oktubre ng kasalukuyang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa isang press conference, sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ang mga jobless na indibidwal na may edad 15 at pataas ay nasa 1.97 million noong Oktubre.

Mas mataas ito sa 1.89 million na walang trabaho na naitala noong Setyembre subalit mas mababa sa 2.09 million sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Bilang porsiyento ng 50.12 million Filipinos sa labor force, ang bilang ng mga jobless na Pinoy ay katumbas ng unemployment rate na 3.9%, tumaas mula 3.7% noong Setyembre.

Bumaba naman ang labor force participation o ang bilang ng mga tao na may trabaho o walang trabaho ngunit aktibong naghahanap ng hanapbuhay mula 51.77 million noong Setyembre.

Gayunman, year-on-year, ang labor force participation ay tumaas mula 49.88 million noong October 2023.

Samantala, ang bilang ng may trabaho ay bumaba sa 48.16 million mula 49.87 million noong Setyembre.

Kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, ang bilang ng mga may trabaho ay tumaas mula 47.79 million.

“Talagang nagkaroon ng pagbaba sa labor participation at doon sa [bilang ng] employed dahil sa weather disturbances… pumasok sa tatlong linggo ng Oktubre so nagkaroon siya ng impact sa decision ng ating mga kababayan na mag-participate sa labor market,” sabi ni Mapa.

“But if you look at the year-on-year and quarter-on-quarter may pagtaas pa rin kaya sa datos na nakikita namin this is temporary because of the weather disturbances,” dagdag pa niya.

Sa industry group, ang services sector pa rin ang top sector pagdating sa bilang ng mga may trabahong indibidwal na may share na 61% ng total employed persons noong October 2024.

Ang agriculture at industry sectors ay bumubuo sa 21.2% at 17.9% ng kabuuang bilang ng employed persons, ayon sa pagkakasunod.

Ang top five sub-sectors pagdating sa annual increase sa bilang ng employed persons noong October 2024 ay ang administrative and support service activities – 247,000 ; accommodation and food service activities – 215,000; transportation and storage – 202,000; construction – 121,000; at mining and quarrying – 101,000.

Ang limang sub-sectors naman na may pinakamataas na annual decreases sa bilang ng employed persons ay ang ishing and aquaculture – 213,000; wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles – 212,000; agriculture and forestry – 183,000; manufacturing – 123,000; at other service activities – 23,000.

Samantala, ang underemployment rate noong Oktubre ay tumaas sa 12.6% mula 11.7 percent na naitala sa kaparehong buwan noong 2023.

“In terms of magnitude, 6.08 million of the 48.16 million employed individuals expressed the desire to have additional hours of work in their present job or to have an additional job, or to have a new job with longer hours of work in October this year,” ayon sa PSA.