(Noong Oktubre) FDI NET INFLOWS PUMALO SA P1-B

PUMALO ang net inflows ng foreign direct investments (FDI) sa eight-month high noong October 2024, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos na inilabas ng BSP nitong Biyernes, lumitaw na ang FDI net inflows ay umabot sa USD1 billion noong Oktubre, ang pinakamataas magmula nang maitala ang USD1.3 billion noong February 2024.

Tumaas din ito ng 50.2 percent mula USD681 million noong October 2023.

“The increase in net FDI inflows was due to the 60.7 percent growth in nonresidents’ net investments in debt instruments to USD839 million from USD522 million,” paliwanag ng BSP.

Ayon pa sa BSP, ang non-residents’ net investments in equity capital other than reinvestment of earnings, ay tumaas ng 34.1 percent sa USD100 million mula USD74 million.

“The growth in FDI inflows, however, was moderated by the 0.9 percent decline in non-residents’ reinvestment of earnings which amounted to USD83 million from USD84 million in October 2023,” ayon sa BSP.

Ang FDIs ay kinabibilangan ng investment ng isang non-resident direct investor sa isang resident enterprise, na ang equity capital sa huli ay hindi bababa sa 10 percent, at ng investment ng isang non-resident subsidiary o associate sa resident direct investor nito.

Ayon sa BSP, ang FDI ay maaaring sa anyong equity capital, reinvestment of earnings, at borrowings.

Ang top country sources noong Oktubre ay ang Japan, the United States, at Singapore.

Ang mga investment ay pangunahing ipinasok sa manufacturing, real estate, at construction.

Mula January hanggang October 2024, ang FDI net inflows ay tumaas ng 8.2 percent sa USD7.7 billion mula USD7.1 billion sa kaparehong panahon noong 2023.

Karamihan sa equity capital placements sa naturang panahon ay nagmula sa United Kingdom, Japan, United States, at Singapore.

Karamihan sa mga ito ay napunta sa manufacturing, real estate, at wholesale and retail trade.
ULAT MULA SA PNA