(Noong Oktubre) INFRA SPENDING NG PH TUMAAS

TUMAAS ang infrastructure spending ng pamahalaan ng 2.52% noong Oktubre, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Sa kanilang disbursement report, sinabi ng DBM na ang paggasta sa imprastruktura at iba pang capital outlays ay nasa P110 billion noong Oktubre mula P107.3 billion noong nakaraang taon.

Ayon sa DBM, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nagposte ng mas mataas na paggasta para sa road and bridge network infrastructure projects noong Oktubre.

Gayunman ay na-offset ito ng mas mababang disbursements ng Department of Transportation (DoTr) at Department of National Defense (DND), “dahil sa magkaibang tiyempo ng pagpapalabas o iskedyul ng payables para sa kanilang big-ticket capital outlay items.”

“These, in turn, weighed down the growth of infrastructure spending for October 2024,” ayon sa DBM.

Sa datos ng DBM ay lumitaw na ang infrastructure spending ay tumaas ng 13.22% sa P1.09 trillion mula Enero hanggang Oktubre mula P964.9 billion sa kaparehong panahon noong 2023.

“The ‘robust’ spending performance for this year was due to road infrastructure and defense projects, as well as direct payments made by creditors to suppliers/contractors in connection with the implementation of the DoTr’s foreign-assisted rail projects,” ayon sa DBM.

Kinabibilangan ito ng Malolos-Clark Railway Project, South Commuter Railway Project, at ng Metro Manila Subway Project.

Samantala, sinabi ng DBM na ang overall infrastructure disbursements ngayong taon ay tumaas ng 11.3% sa P1.28 trillion hanggang end-October.

“The overall infrastructure disbursements (inclusive of the transfers to local government units and support to government-owned and -controlled corporations intended for infrastructure activities) were seen to reach P1.54 trillion, equivalent to 5.8% of gross domestic product (GDP),” ayon sa ahensiya.