(Noong Oktubre) PAGLAGO NG PH FACTORY OUTPUT BUMAGAL

PATULOY na lumago ang factory output ng bansa kapwa sa volume at value noong Oktubre, subalit mas mabagal kumpara noong Setyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa resulta ng pinakahuling Monthly Integrated Survey of Industries (MISSI) na inilabas nitong Huwebes, ang value of the production index (VaPI) ay tumaas ng 1.3 percent, mas mabagal sa 9.6-percent at 14.5-percent expansion noong Setyembre ng kasalukuyang taon.

Mas mabagal din ito sa 14.5-percent growth na naitala noong Oktubre ng nakaraang taon.

“The slower increment in the annual growth of VaPI during the month was primarily brought about by the double-digit annual drop in the manufacture of beverages industry division at 26.3 percent in September 2023 from 23.1 percent annual increase of in the previous month,” ayon sa PSA.

Ang iba pang primary contributors sa pagbagal ng paglago sa VaPI ay ang annual increase ng manufacture of coke and refined petroleum products sa 36.2 percent mula 66.9 percent noong Setyembre, at ang manufacture of computer, electronic, and optical products na may annual drop na 1.3 percent mula 4.5 percent annual increment noong Setyembre.

Samantala, lumago rin ang volume of production index (VoPI) ng 1.7 percent.

Gayunman ay mas mabagal din ito kumpara sa 6.7 percent at 9.9 percent growth noong Oktubre  2022 at Setyembre ngayong taon.

“The slower annual decrease of VoPI for manufacture of food products in October 2023 was primarily driven by the annual increase in the manufacture of dairy products industry group at 22.1 percent during the month from 34.9 percent annual decrement in the previous month,” paliwanag ng PSA.

Ang average capacity utilization rate para sa manufacturing sector ay bumaba sa 74.3 percent mula  74.4 percent noong Setyembre ngayong taon.

Sinabi ng PSA na lahat ng industry divisions ay nagtala ng capacity utilization rates na mahigit sa  50 percent.

“The top three industry divisions in terms of reported capacity utilization rate were manufacture of machinery and equipment except electrical (83.3 percent), manufacture of rubber and plastic products (81.2 percent), and manufacture of tobacco products (80.5 percent),” anang PSA.

(PNA)