NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng mahigit $1 billion net inflows mula sa foreign direct investments noong February 2023, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang FDI ay ang investments na isinagawa ng mga dayuhang kompanya o indibidwal sa Pilipinas Sa datos ng BSP, ang FDI net inflows ay nagkakahalaga ng $1.047 billion noong Pebrero, tumaas ng 13% mula sa $926 million sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Mas mataas din ito sa $448 million net inflows na naitala noong Enero. Ito rin ang pinakamataas sa loob ng 15 buwan mag- mula nang pumasok sa bansa ang $1.263 billion FDI noong November 2022.
Ang FDI ay maaaring sa anyo ng iequity capital, reinvestment of earnings, at borrowings.
“The increase in FDI was due to higher nonresidents’ net investments in debt instruments, notwithstanding lower net equity capital placements and reinvestment of earnings,” ayon sa BSP.
Karamihan sa equity capital placements sa naturang buwan ay nagmula Japan, United States, at Cayman Islands.
Ayon sa central bank, karamihan sa investments ay inilagak sa manufacturing; real estate; electricity, gas steam and air conditioning supply; at financial and insurance industries.
Ang year-to-date FDI net inflows ay nasa $1.5 billion, bumaba ng 14.6% mula $1.8 billion net inflows na naiposte sa unang dalawang buwan ng 2022.
“All major FDI components yielded lower net inflows as foreign investors remained cautious amid persistent and broadening global inflation,” dagdag ng central bank.