(Noong Pebrero) $274-M ‘HOT MONEY’ PUMASOK SA PH

hot money

MULING nakapagtala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng net inflows para sa February 2022 foreign portfolio investments ng bansa, na mas mataas pa sa naunang buwan.

Ang foreign portfolio investments ay tinatawag ding ‘hot money’ dahil sa kaluwagan ng pagpasok at paglabas ng pondo sa merkado.

Umabot sa $274 million ang ‘hot money’ na pumasok sa bansa noong Pebrero — $15 million na mas mataas noong Enero at reversal ng $40 million net outflows na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Gayunman, ang $945 million gross inflows para sa buwan ay bumaba ng 29.4%, year-on-year.

Sa mga  registered investments, 79.3% ang napunta sa securities na nakatala sa Philippine Stock Exchange.

Ayon sa BSP, ang mga ito ay partikular na inilagak sa  banks, property, holding firms, food, beverage and tobacco, ar transportation services.

Ang nalalabing 20.7% ay ipinuhunan sa peso government securities.

Ang top five investor countries ay ang United Kingdom,  United States, Luxembourg, Singapore at  Hong Kong, na bumubuo sa 75.7% ng mga transaksiyon.

Samantala, ang  $670 million gross outflows para sa buwan ay bumaba ng 51.4% kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa BSP, ang U.S. ang tumanggap ng 76.5% ng kabuuang outflows.