(Noong Pebrero) BANK LENDING LUMAKAS

BSP

LUMAGO ang outstanding loans ng universal at commercial banks, net of reverse repurchase placements, ng  8.8 percent year-on-year noong Pebrero, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

“Credit activity continues to gain momentum as easing COVID-19 restrictions drive the improvement in mobility and market demand,” pahayag ng BSP sa isang statement.

“The BSP continues to see scope to safeguard the momentum of economic recovery amid increased uncertainty, even as indications of sustained improvement in credit activity allows the BSP to gradually unwind its pandemic-related interventions,” dagdag pa ng central bank.

Nauna nang nagpasiya ang Monetary Board na panatilihin ang benchmark borrowing rate ng bansa sa record-low na 2 percent sa kabila ng tumataas na presyo ng mga bilihin para patuloy na suportahan ang pagbangon ng ekonomiya.

Ang lending  ay naapektuhan ng pandemic consumer spending at bumagal ang business expansions noong mga nakalipas na taon.

Nakabuti sa economic activities, gayundin sa bank lending, ang pagsasailalim sa NCR at iba pang mga lugar sa bansa sa  Alert Level 1.