LUMAGO ang Philippine manufacturing sector sa ikalawang sunod na buwan noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Lumitaw sa preliminary results ng Monthly Integrated Survey of Selected Industries (MISSI) na ang factory output o Volume of Production Index (VoPI) ay lumago ng 3.0% noong Pebrero.
Kumpara ito sa 0.1% growth noong Enero, at sa 9.3% decline noong Pebrero 2019.
“Ten major industry groups exhibited increases,” ayon sa PSA. Pinangungunahan ito ng printing (38.4%), fabricated metal products (30.3%), machinery except electrical (28.0%), chemical products (23.8%), beverages (16.9%), at wood and wood products (11.3%).
Sa kabila ng pagtaas sa volume, iniulat ng PSA ang pagbaba sa Value of Production Index (VaPI) ng 1.8%, mas mabagal sa 5.2% decline noong Pebrero at sa 6.2% drop noong Pebrero 2019.
“Eleven of the 20 major industry groups pulled down the VaPI,” ayon sa PSA. Nanguna sa mga bumaba ang petroleum products (-35.9%), tobacco products (-26.1%), leather products (-26.1%), miscellaneous manufactures (-24.4%), basic metals (-14.9%), transport equipment (-12.1%), at paper and paper products (-10.6%).
Comments are closed.