(Noong Pebrero) IMBENTARYO NG BIGAS BUMABA

BAHAGYANG bumaba ang imbentaryo ng bigas sa bansa noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng PSA, nasa  1.37 milyong metriko tonelada ang kabuuang rice stocks inventory hanggang Marso 1, 2024.

Mas mababa ito ng 9.6 percent kumpara  sa 1.51 MMT imbentaryo  sa naunang buwan.

Mas mababa rin ito ng 3 percent kung ihahambing sa kaparehong buwan noong 2023.

Tumaas naman ng 27.5 percent ang commercial stocks ng bigas kumpara noong nakaraang taon.

Sa kabuuang rice stocks noong Marso, 50.8 percent ang mula sa households, 46.1 percent sa commercial sector, habang 3 percent sa NFA depositories.

PAULA ANTOLIN