(Noong Pebrero) JOBLESS NA PINOY LUMOBO SA 4.2M

UMAKYAT sa 4.2 milyon ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong Pebrero, ayon sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).Sa isang virtual press conference, sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na ang unemployment rate noong nakaraang buwan ay naitala sa 8.8% na katumbas ng 4.2 million jobless adults na may edad 15 at pataas, mula sa 8.7% o apat na milyong walang trabaho noong Enero.

Tumaas naman ng 1.9 percent ang mga mayroong trabaho o negosyo noong Pebrero na umakyat sa 43.2 milyon mula sa 41.2 milyon noong Enero 2021.

“Despite the increase in the number of employed persons, the employment rate declined slightly to 91.2% in February from 91.3% in January,” paliwanag ng PSA.

Ayon pa kay Mapa, sa mga pangunahing sektor, ang services sector pa rin ang may pinakamalaking bahagi ng populasyon na may trabaho o negosyo na nasa 58.4 percent, kasunod ang sektor ng agrikultura na may 23.9 percent.

Ang nature ng trabaho, pagbaba ng mga kliyente at mga trabaho, gayundin ang nagpapatuloy  na COVID-19 pandemic, ang pangunahing dahilan pa rin kung bakit hindi nakapagtrabaho at nakapagnegosyo ang mga Filipino noong Pebrero.

Samantala, tumaas ang bilang ng underemployed persons o yaong mga may trabaho ngunit nais na magkaroon ng dagdag na work hours sa 7.9 milyon noong Pebrero mula sa 6.6 milyon noong Enero.

Ang underemployment  rate ay tumaas sa 18.2% mula 16% sa naunang buwan.

Ang February round ng  LFS ang una sa monthly rounds na isasagawa ng Statistics agency.

“Simula Pebrero 2021, ang buwanang LFS ay isasagawa sa pagitan ng regular na LFS upang magkaroon ng high frequency data on labor and employment bilang isa sa mga basehan sa paggawa ng polisiya at plano, lalo na iyong may kinalaman sa COVID-19,” sabi ni Mapa.

3 thoughts on “(Noong Pebrero) JOBLESS NA PINOY LUMOBO SA 4.2M”

  1. 374732 266710These kinds of Search marketing boxes normally realistic, healthy and balanced as a result receive just about every customer service necessary for some product. Link Building Services 217000

Comments are closed.