(Noong Pebrero) PAUTANG NG BANGKO LUMAGO

BUMILIS ang paglago ng bank lending ng universal and commercial banks (U/KBs) noong Pebrero, ayon sa  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos na inilabas ng BSP noong Huwebes, ang  outstanding loans ng mga bangko, maliban sa mga inilagay sa reverse repurchase facility ng central bank ay tumaas ng 8.7 percent  mula 7.8 percent noong Enero 2024.

Ang outstanding loans na inisyu ng U/KBs ay nagkakahalaga ng P11.6 trillion mula P11.5 trillion noong Enero at P10.6 trillion noong Pebrero ng nakaraang taon.

Ayon sa BSP, ang outstanding loans to residents, net of RRPs, ay tumaas ng 8.7 percent noong Pebrero mula 7.8 percent noong Enero, habang ang outstanding loans to non-residents ay lumago ng  6.5 percent makaraang tumaas ng 9.8 percent noong Enero.

Tumaas din ang pautang para sa production activities ng 6.8 percent  mula 5.9 percent sa naunang buwan.

Ayon sa BSP, pangunahing dahilan ng pagtaas ang mas mataas na pautang sa key sector tulad ng real estate activities (11.6 percent); electricity, gas, steam, and airconditioning supply (11.2 percent); wholesale and retail trade, at repair of motor vehicles and motorcycles (7.1 percent); transportation and storage (21.1 percent); at manufacturing (5.9 percent).

Lumago rin ang consumer loans sa mga residente ng 25.2 percent noong Pebrero, na kapareho ng rate noong Enero, sa likod ng patuloy na pagtaas sa credit card at motor vehicle loans.

Samantala, ang domestic liquidity (M3) ay lumago ng 5 percent sa P16.9 trillion noong Pebrero 2024 mula 6 percent noong Enero.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corporation chief economist Michael Ricafort, posibleng nakapag-ambag sa mas mabagal na M3 growth ang pag-iisyu ng five-year Retail Treasury Bond noong nakaraang buwan.

“The record PHP584.86 billion 5-year RTB issuance in February 2024 would have fundamentally siphoned off some of the excess peso liquidity from the financial system and slowed down the M3 growth for the month, but would eventually be offset by the large PHP700 billion RTB maturity from March 9-12, 2024 that could be added to the peso liquidity and could lead to some pick up in M3 growth by March 2024,” aniya.

(PNA)