(Noong Pebrero) REMITTANCES NG OFWs NAKABAWI

BSP-2

TUMAAS ang remittances mula sa overseas Filipinos noong Pebrero makaraang bumaba sa nakalipas na dalawang buwan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, ang cash remittances o money transfers na ipinadaan sa mga bangko, ay tumaas ng 5.1% sa $2.477 billion noong Pebrero mula sa $2.358 billion sa kaparehong panahon noong 2020.

“Cash remittances from land-based workers climbed 7.8% to $1.982 billion, while that of sea-based workers fell by 4.6% to $495 million,” ayon sa datos ng central bank.

Year-to-date, ang cash remittances ay tumaas ng 1.5% sa $5.080 billion mula sa $5.006 billion na naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Ang mataas na cash remittances noong Pebrero ay nagmula sa United States, Malaysia, at Singapore.

Pagdating sa country sources, ang US ay may 41%, sumusunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Canada, Malaysia, Taiwan, at Qatar.

Ang pinagsama-samang remittances mula sa top 10 countries ang bumubuo sa  78.3% ng total cash remittances.

Samantala, tumaas ang personal remittances o ang kabuuan ng transfers na ipinadala ng cash o in-kind via informal channels, ng  5.3% sa $2.761 billion mula sa $2.623 billion.

Year-to-date, ang personal remittances ay lumobo ng 1.6% sa $5.665 billion mula sa $5.566 billion.

“Personal remittances from land-based workers with work contracts of a year or more jumped 7.8% to $2.152 billion, while those from sea-based workers and land-based workers with contracts less than a year fell 4.6% to $540 million,” ayon sa BSP.

7 thoughts on “(Noong Pebrero) REMITTANCES NG OFWs NAKABAWI”

  1. 406919 237483Hello! I could have sworn Ive been to this weblog before but after browsing by way of some with the post I realized its new to me. Anyways, Im certainly happy I located it and Ill be book-marking and checking back often! 813270

  2. 385654 462022Hiya! Amazing blog! I happen to be a daily visitor to your internet site (somewhat much more like addict ) of this website. Just wanted to say I appreciate your blogs and am looking forward for more to come! 774309

Leave a Reply

Your email address will not be published.