(Noong Pebrero) UTANG NG PH LUMOBO SA P13.75-T

UMABOT na sa P13.75 trillion ang utang ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Pebrero, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Ang numero ay mas mataas ng P54.26- billion kumpara sa datos noong Enero.

Sinabi ng BTr na pangunahing dahilan ng paglobo ng utang ng bansa ang net issuance ng domestic securities.
Mayorya, o 68.7%, ng kabuuang utang ay nagmula sa domestic sources.

Ang domestic debt ay tumaas din ng 0.6% sa P9.44 trillion dahil sa net availment ng domestic financing at ng paghina ng Philippine peso kontra dolyar sa onshore foreign-denominated securities.

Samantala, bahagyang bumaba ang foreign debt ng P2.96-billion sa P4.31 trillion.
Bumaba rin ang guaranteed obligations ng bansa ng 1.7% sa P387.19-billion.