(Noong Setyembre) BANK LENDING SA PH SUMIGLA

INIHAYAG ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtaas ng outstanding loans ng universal and commercial banks, net of reverse repurchase (RRP) placements ng 2.7 percent noong Setyembre kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa isang statement, sinabi ng BSP na ang kabuuan ay mas mabilis din sa 1.3-percent expansion noong Agosto.

“The observed increase in outstanding loans of U/KBs reflects the modest recovery in banks’ overall lending attitudes along with improved economic prospects owing to the gradual lifting of pandemic containment measures,” ayon sa central bank.

Sa datos ng BSP, ang outstanding loans para sa production activities ay lumago ng 4.4 percent noong Setyembre mula sa 3.1 percent sa naunang buwan.

“Outstanding loans to residents grew by 3.2 percent in September from 2 percent the previous month due to recovery in loans for production activities,” dagdag ng BSP.

“Consumer loans to residents or for household consumptions fell at a slower rate of 7.8 percent compared to the 8.4 percent decline in August due to lesser contraction in credit card, motor vehicle and salary-based general purpose loans.”

Pinanatili ng Monetary Board (MB) ang benchmark borrowing rate ng bansa sa 2 percent upang suportahan ang pagbangon ng ekonomiya at mapalakas ang lending activities.