Downtown ang pinakasikat na na lugar noong 1960s, pero ngayon, Uptown na. Nasa Rizal Avenue, Avenida ang Downtown at nasa Taguig naman ang Uptown.
Ayon sa Mommy ko, 80s lamang itinayo ang LRT 1 — at tingnan ninyo ngayon, may LRT 2 na, LRT extension at MRT pa!
Napakaganda raw dati ng Downtown Manila at punung puno ng buhay. Hindi pa rin daw uso noon ang Makati dahil ang center of commerce noon ay ang Escolta at Chinatown. Aesthetically beautiful ito kahit pa unti-unti nang lumilipat ang mga negosyo sa Cubao at Makati.
Sa ngayon, maganda pa rin ang Avenida ngunit hindi na ito gaanong masaya. Dahil daw kasi sa LRT. Natakpan nito ang buong Avenida Rizal kaya naging madilim at malungkot ito.
Ang minsang bida sa hustle-bustle of the city ay alaala na lamang ngayon. Isa ito sa mga kabayaran sa pag-asenso.
JAYZL NEBRE