NORA AUNOR SA NAT’L ARTIST AWARD ISSUE: KUNG IPAGKAKALOOB NG DIYOS

nora_aunor

NAGTATANONG ang mga nagmamahal kay Nora Aunor, lalo na ang mga Noranian kung bakit hindi pahot shots rin daw iginagawad sa nag-iisang Superstar ang National Artist award.

Sa tuwing nagkakaroon raw ng pilian para sa National Artist ay para­ting nasasama naman ang pa­ngalan ni Ate Guy pero ilang beses din itong natatanggal sa mga pinagpilian.

Ayon kay Nora ay hindi na raw niya iniisip ang naturang award. Naniniwala kasi ang Superstar na kapag talagang para sa iyo ang isang bagay, kahit harangan mo pa ito ay mapupunta o makakamit mo ito.

Matatandaan, year 2014 hindi iginawad ang titulong National Artist kay Nora ng dating Pangulong Benigno Aquino III dahil sa pagkakasangkot diumano raw ng Superstar sa illegal drugs.

Naniniwala si Ate Guy kung para sa iyo ang isang karangalan at ito ay kaloob ng Diyos ay mapapasaiyo ang naturang karangalan.  Naniniwala rin si Ate Guy na hindi siya nakakaangat sa ibang artista. Pantay-pantay lang daw silang lahat.

Sa totoo lang, hindi matatawaran ang naging kontribusyon nina Nora Aunor at Vilma Santos sa sining. Binigyan na sila ng parangal here and abroad. Kaya may karapatan na bigyan sila ng naturang award.

MARIEL RODRIGUEZ INSECURE NA DAHIL SA  KATABAAN

NAIKUWENTO ni Mariel Rodriquez-Padilla noong ipa­nganak niya ang pa­nganay nila ni Robin Padilla na si Isabella ay nakaramdam daw siya ng insecurity sa sarili kaya hindi siya makapag-post ng mga larawan nila sa social media.

Nakaramdam daw siya ng hiya dahil sa kanyang post baby body. Sumobra raw kasi ang pagtaba ng kanyang katawan. Dahil sa sobrang taba ultimo wedding ring ay hindi na niya maisuot sa kanyang daliri.

Ayaw na ayaw daw niyang makita siya ng tao sa ganoong hitsura. Dahil na rin sa katabaan ay ma­rami siyang tinanggihang endorsement at party sa takot na ma-cyber bully dahil sa pagiging mataba.

Maging ang mga travel photo nila ni Robin noong magbakasyon sila sa Europe na gusto sana niyang i-post ay hindi niya magawa dahil sa hitsura niyang sobrang taba.

Pati ang pakikipaglaro niya sa kanilang baby ay hindi rin niya magawa dahil umabot daw sa 178 pounds ang kanyang timbang.

Pero  naniniwala si Mariel na maibabalik din niya sa dati ang kanyang katawan sa pamamagitan ng exercise at tamang pagdi-diet.

Unti-unti niyang nagagawang bawasan ang kanyang timbang. Katunayan ay higit 40 lbs na ang nabawas sa kanyang timbang. At patuloy pa rin ang ginagawa niyang pagpapapayat.

Kung hindi gagawa ng paraang magpapayat ay baka maagaw na sa kanya si Robin. Sa hitsura kasi nga­yon ni Robin ay parang bumabata imbes na tumanda.

NADINE NIRESBAKAN NG FAN NA TINAWAG NIYANG BIPOLAR       

PINAGTABUYAN ni Nadine Lustre ang mga pekeng fans na nagkukun­waring followers nila ni James Reid, na siya rin daw gumagawa ng eksena para wasakin sila.

“To all our real supporters, we appreciate you all. Thank you for showing nothing but love and positivity, not only to this fandom but the others as well.

“To all the confused/bipolar/fake ones, here`s  the door. We don’t need your bs here,” post ni Nadine sa kanyang Instagram stories..

Samantala, hindi makaresbak ang mga kalaban ni Nadine dahil naka-off na ang kanyang comment section sa Instagram. Kaya ang ginawa ng iba ay sa Instagram account ni James Reid sila nagpunta para magbigay ng kanilang mensahe.

Ang iba ay hindi nagustuhan nang tawagin bipolar ni Nadine ang mga pekeng fans na kumalaban sa kanila ni James.

@sorawil8511 “@nadine: “The National Mental Health Association reported that  30% -70% of suicide victims have suffered from a form of depression. Bipolar disorder and suicide. The depressive  phase of bipolar disorder is often very severe and suicide is a major risk factor. In fact, people suffering from bipolar disorder are more likely to attempt suicide than those suffering from regular depression. Futhermore, their suicide attemps tend to be more lethal.”

“Calling some of your fans as bipolar? Have you forgotten what happened to your brother? What a shame.”

Ilan lang yan sa mga mensahe ng fans para kay Nadine.

2 thoughts on “NORA AUNOR SA NAT’L ARTIST AWARD ISSUE: KUNG IPAGKAKALOOB NG DIYOS”

Comments are closed.