Nora Cabaltera Villamayor ang tunay niyang pangalan, at isinilang noong May 21, 1953. Siya ang nag-iisang Phenomenal Superstar ng Philippine Cinema.
Ang kwento ng kanyang buhay ay parang komiks. Too good to be true. Napakagandang plot sa nobelang tungkol sa isang batang babaeng walang maipagmamalaki kundi ang kanyang magandang tinig na nagpanalo sa kanya sa isang amateur singing contest. Ngunit nakatadhana siyang magkaroon ng malaking pagbabago sa buhay na taliwas sa traditional rules at napagtagumpayan niya ito. Noong araw kasi, ang pinilakang tabing ay para lamang sa magagandang mestizo na mga diyos at diyosa ng kagandahan.
Siya, si Ate Guy, ang lumikha ng transition na nagsilbing tulay sa ‘standard attributes.’ Alam naman nating kayumangging kaligatan si Nora Aunor.
Hindi lamang niya nalusutan ang pagsubok. Naging ‘Superstar’ pa siya, bagay na kahit ang mga nagdaang Queens of Philippine Movies ay hindi kayang pantayan. Kung tutuusin, hinsi siya isinilang para sambahin sa larangan ng pelikula. Nilikha niya ang kanyang sarili upang humakot ng milyun-milyong loyal fans na nakikipagsakitan para sa kanya. Hangga ngayon nga, mayroon pa ring mga loyal Noranians na sumusuporta sa kanya.
Sa ngayon, si Ate Guy pa rin ang nananatiling most nominated and awarded actress sa Philippine cinema, kung saan umaabot na sa 200 awards ang kanyang natanggap sa kanyang karera sa pag-awit at pag-arte. Siya ang may pinakamaraming natanggap na lifetime achievement awards sa Pilipinas man o sa ibang bansa, dahil sa kanyang plethoric contribution sa entertainment industry.
Oo, hindi siya glamorosa at lalong hindi sexy, pero tinalbugan niya ang napakaraming legendary beauties and sexbomb. Kahit ang mga kaibigan at kasamahan niya sa trabaho ay humahanga sa kanya — in fact, pati ang kanyang mga detractors, humahanga rin sa kanya, lalo na sa husay niya sa pag-arte.
Noong June 10, 2022 iginawad kay Nora Aunor ang Order of National Artists of the Philippines, patunay na sa daigdig ng pelikula at showbiz, walang ’Himala’ at talino at husay palagi ng nananatili.
Kaye VN Martin