NORA AUNOR TATANGGAP NG ‘HIS-TORY MAKER AWARD’ NGAYONG GABI

IPAGKAKALOOB  ng History Channel Philippines kay Superstar Nora Aunor ang “History Makershowbiz salamin Award” bilang pinakamataas na pa-rangal this year ngayong Sabado, Agosto 11,  2018 na ang awarding ceremony ay gaganapin sa World Trade Center. Heard na in full force na sasamahan ng Noranians worldwide and nationwide ang kanilang lodi as in full attendance sila lahat in pernes.

Anyway, ang seryeng Onanay kung saan may special participation si La Aunor ay wagi sa puso ng mga Pinoy umpisa pa lang sa pilot airing epi-sode nito.

Sa pama­magitan ng Instagram stories, ini-reveal ng newbie actress na si Jo Berry na ang Kapuso star na si Mikee Quintos ang isa sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang karakter ni Onay sa Kapuso primetime series na Onanay.

Isa kasi ito sa mga nag-encourage sa kanya noong nag-uumpisa pa lang sila na kaya niya ang umarte kasabay nina Superstar Nora Aunor at Cherie Gil. Sulit naman ito dahil waging-wagi sa ratings ang first two days ng serye laban sa katapat na programa ng kabilang estasyon. Lubos na nagpapasalamat ang cast ng Onanay sa lahat ng sumubaybay at patuloy na tumututok sa kanilang programa. Sulit ang lahat ng kanilang pagod dahil sa tagumpay na ito. Tutok lang sa Onanay gabi-gabi dahil mas maraming heartwarming pang mga eksena ang dapat subaybayan lalo na sa papalapit na pagdating ng mga karakter nina Kate Valdez at Mikee Quintos.

BENJAMIN ALVES AT BEA BINENE MANGGUGULO KAY UGE

BENJAMIN ALVES-BEA BINENEGUESTS  this Sunday naman, Agosto 12 sa episode of Dear Uge titled Nosi Balae ang dalawang bida ng Kapuso morning seryeng Kapag Nahati Ang Puso na sina Benjamin Alves at Bea Binene na kung saan ang maghahatid sa walk down the aisle kay Bea ay ang kanyang transwoman father played by Gardo Versoza. Kakaiba, ‘di ba?

Lungkut-lungkutan naman ang avid viewers ng GMA7 afternoon primetime seryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka kung saan ang pinaka-bida ay si Yasmien Kurdi na biktima ng HIV virus sa nalalapit na pagtatapos nito sa ere. In pernes, so-brang sipag mag-post sa facebook ng Director nito na si Direk Neal del Rosario ng mga latest episodes ng HKKIK, ha, kaya dami na-eengganyong panoorin ang nasabing advocacy serye araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes sa true lang!

Comments are closed.