NAGBABALA ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga residente sa Ilocos hanggang Northern Luzon region laban sa dalawang sama ng panahon at habagat na nagbabanta sa mga nabanggit na lugar.
Batay sa monitoring ng PAGASA, mayroong low pressure area (LPA) sa Silangan ng Basco, Batanes na inaasahang magiging bagyo ngayong araw.
Habang nakaaapekto ang habagat at magpapaulan sa Ilocos region, Cordillera Administrative Region (CAR), Batanes, Babuyan Group of Islands, Zambales at Bataan.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon naman ay maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa mga dagliang pulo-pulong pag-uulan lalo na sa hapon o gabi.
Maalinsangan pa rin ang panahon sa buong Visayas at Mindanao liban na lamang din sa mga pag-ulang dulot ng localized thunderstorms.
Mapanganib ang paglalayag sa paligid ng Hilagang Luzon, kanluran at gitnang bahagi ng Gitnang Luzon dahil sa nakataas na gale warning.
#WALANGPASOK
Dahil sa matinding pag-ulan, suspendido na ang klase sa ilang lugar sa Benguet kabilang ang Baguio City, UP Baguio, at bayan ng Itogon, at Tublay; Tagudin, Ilocos Sur; Besao, Bauko: Mabaay, Sadsadan, Mt. Data, Monamon Sur, Monamon Norte, Sinto sa Mountain Province; Masantol, Macabebe, San Simon: San Agustin, San Isidro, Sta.Cruz, San Pablo, Sasmuan: (lahat ng antas maliban sa Sto. Tomas Elementary School and High School, at Central Elementary School) sa Pampanga.
Wala ring pasok mula pre-school hanggang highschool sa Ilocos Norte habang buong Abra ay wala ring pasok ang paaralan. EUNICE C.
Comments are closed.