INIHAYAG kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pitong oras na isasara ang bahagi ng North Avenue bunsod ng construction ng Metro Rail Transit (MRT) 7 project at asahan ang matinding trapik sa ilang lugar sa Quezon City.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, simula alas-10:00 ng gabi hanggang ngayong araw ng Martes alas-5:00 ng umaga ay sarado ang North Avenue, mula Agham Road hanggang Quezon Memorial Circle (westbound).
“This is to pave the way for the removal of old electrical posts affected by the construction of the MRT 7,” ani Garcia.
Payo ni Garcia sa mga motorista na iwasan ang naturang lugar at dumaan na lamang sa alternatibong ruta para maiwasan ang traffic congestion.
Ang MRT 7 project ay bunsod ng construction ng 23-kilometer railway system, na may 14 estasyon mula North Avenue, Quezon City hanggang San Jose Del Monte Bulacan, na bahagi ng Build Build Build program ng gobyerno bilang long term traffic solution para sa traffic reduction sa Metro Manila. MARIVIC FERNANDEZ