NORTH COTABATO DINAGSA NG TURISTA

NORTH COTABATO

SA PAMBIHIRANG pagkakataon mula nang maitala ang Ampatuan at Mamasapano massacre, nagtala ng mataas na tourist arrival ang probinsya ng Cotabato.

Umaabot na sa 25,319 ang tourist arrival sa ibat’t ibang tourist destinations sa bayan ng Arakan, Cotabato.

Dinarayo sa Arakan ang Matigol Falls, vowvulon natural swimming resort, gambudes epol falls at eagles ridge na una ng itinampok sa isang documentary film.

Ito’y base sa talaan ng Municipal Tourism Office sa bayan ng Arakan.

Sa Arakan lamang ito at hindi pa kabilang ang mga tourist destination sa iba’t ibang bayan sa probinsya kagaya ng Asik-Asik Falls sa Alamada, Lake Agco sa Kidapawan City, UK Peak sa Aleosan, Zipline sa Makilala at iba pa.

Bago lamang ay sikretong bumisita sa Asik-Asik Falls sa Ala­mada Cotabato si John Lloyd Cruz.

Todo bantay rin ang militar at pulisya sa mga tourist destination sa North Cotabato para masiguro ang seguridad ng mga turista at mga dayuhang bisita. AIMEE ANOC

Comments are closed.