AGAD na inutos ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde ang pagsibak sa lahat ng tauhan ng Lapinig Municipal Police Station sa Northern Samar kasama ang kanilang mga superior habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring pagsalakay ng may 100 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa munisipyo at himpilan ng pulisya kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Albayalde, bukod kay Lapinig Chief of Police, P/Inspector Noli Montebon, ay sinibak din sa puwesto ang pinuno ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, na si P/Chief Inspector Juan Byron Leogo, at Northern Samar PNP Provincial Director, P/Sr. Supt. Romeo Campomanes.
Samantala nirekomenda rin ng PNP Oversight Committee ang pagsibak sa PNP- Police Region Office 8 Director, P/Chief Supt. Mariel Magaway,
Bandang alas-2:00 ng madaling araw, sinalakay ng tinatayang nasa 100 rebelde ang munisipyo at police station ng Lapinig Town sa Norther Samar na ikinasugat ng 2 pulis at natangayan ng may 10 mataas na kalibre ng baril.
Umabot naman sa 30 minuto ang bakbakan sa pagitan ng walong pulis na nakatalaga at mga miyembro ng NPA.
Nasugatan sa bakbakan sina PO2 Jerry Quilicol at PO1 Edison Aguire. Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Northern Samar Police Provincial Office hinggil sa insidente kung saan unang inulat na missing in action sina: P/Insp Noli Montibon ang hepe ng Lapinig Police Station at PO2 Mark Mejedo.
Armado ang malaking grupo ng mga terroristang komunista ng mga high powered firearms gaya ng UZI, K3 submachine guns, M16, M14, at M203.
Tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok ng mga pulis at ng mga attacker, bago na-overrun ang police station.
Una nito naiulat na nawawala ang dalawang pulis na kinilalang sina PO2 Mark Mejedo at P/Insp. Noli Montibon pero sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan na.
Tumakas ang mga rebelde patungong kabundukan ng bayan ng Arteche, Eastern Samar dala ang 2 baril ng mga pulis.
Mabilis namang naglunsad ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Philippine Army laban sa mga nakatakas na mga rebelde.
Ang bayan ng Lapinig ay isang 5th class municipality at batay sa census noong taong 2015 ito ay may popolasyon lamang na 13,020 na mga residente. VERLIN RUIZ
Comments are closed.