NOTAM INISYU SA PAGSABOG NG MT. KANLAON

Naglabas ang Ci­vil Aviation Autho­rity of the Philippines ng Notice to Airmen (NOTAM) kaugnay ng pagsabog ng Mt. Kanlaon sa Negros Occidental hapon ng Lunes.

Sa naturang NOTAM, pinapayuhan ng CAAP ang mga piloto na iwasang dumikit sa bulkan.

Pinaiiral  ng CAAP ang vertical limits na 10,000 feet mula sa tuktok ng Mt. Kanlaon dahil sa panganib ng biglaang pagbuga ng bulkan at sa magmatic activity nito.

Tatagal ang Notam ng CAAP hanggang Martes ng  alas-nuwebe ng umaga.

Agad namang ipinag-utos ang evacuation sa lahat ng residenteng naninirahan sa loob ng 6 kilometer danger zone matapos ang naitalang pagputok ng bulkan.

Itinaas din ng Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (PHIVOLCS) sa alert level 3 ang bulkan.

FROI MORALLOS