BATANGAS- BUMAGSAK sa kamay ng pinagsanib puwersa ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB), Regional Special Operation Unit (RSOU), ISAFP, at Balayan Municipal Police Station ang madulas na gun for hire suspect na sangkot sa series ng iba’t-ibang krimen sa Calabarzon.
Sa report ni Col. Noel D. Nunez, chief ng Regional Intelligence Division ng PRO4 kay BGen. Antonio Yarra, Calabarzon police director, ang suspek ay nakilalang si Lorenzo Pedraza Holgado, 55-anyos, may-asawa at residente ng Barangay Santol, Balayan, Batangas.
Si Holgado ay inaresto dakong alas-2:10 ng umaga kahapon sa kanyang bahay sa bisa ng search warrant na inisyu ng tanggapan ni Judge Carolino Faustino De Jesus Suarez ng RTC branch 108 ng Balayan, Batangas.
Nakuha sa posesyon ni Holgado ang isang cal. 45 Taurus pistol,; isang cal. 45 Armscor pistol,;. isang MK2 fragmentation hand grenade,: isang .cal. 9mm replica Brin MOD 92 at daan bala para sa iba’t-ibang cal. 45.
Sa pahayag ng Balayan police operatives si Holgado ay matagal ng involved sa mga krimen na binabayaran ng ilan politiko sa Timog Katagalugan.
Sasampahan si Holgado ng kasong Violation of RA 10591 na tumutukoy sa Comprehensive Law of Firearms and Ammonition Act at sa Comelec gunban resolusyon. ARMAN CAMBE