NOTORIOUS NORWEGIAN NALAMBAT

ILOCOS NORTE-BUMAGSAK sa kamay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Laoag City ang pinaniniwalaan notorious Norwegian na wanted ng mga awtoridad sa kanilang bansa.

Kinilala ni Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Alexander Calapini-Solberge, 53 anyos na naaresto nito Lunes ng Figitivr Search Unit (FSU) sa Barangay 48-A Cabunggaan Laoag City, IlocosNorte.

Ayon kay Morente si Solberge ay isang high-profile fugitive sa Norway dahil sa kinasasangkutan nito ng ibat-ibang kaso ng sex offenses na naka-file sa korte laban sa kanya.

Ayon naman kay BI-FSU chief Rendel Sy si Solberge ay mayroon nakabinbin na Warrant of Arrest na inisyu ng Folio Of Norde Osfold District Court ng Norway.

Ang Warrant of Arrest ay inisyu ng korte laban kay Solberge dahil sa apat na counts ng paulit-ulit o repeated acts ng Child molestation o pagmomolestiya sa mga minor de edad sa kanilang lugar.

Agad naman ito ipapa-deport sa lalong madaling panahon sapagkat isa ito banta sa kapakanan ng mga kabataan sa ating bansa. FROILAN MORALLOS