NOTORYUS NA TULAK NALAMBAT SA BUY BUST

LAGUNA- MULING naaresto ng mga operatiba ng Victoria police Intelligence Unit ang isang notorious street level individual sa isinagawang buy bust operation sa Sitio Bicutan, Barangay San Francisco ng nabanggit na bayan.

Sa report na tinanggap ni Laguna police provincial director Col. Randy Glenn Silvio mula kay Capt. Myra Desiree Pasta, OIC ng Victoria police, kinilala ang suspek na si Arnold Trompeta, 40-anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Sa pahayag ni Cpl. Albert Acasio, intel officer ng Victoria, pangalawang beses umanong nadakip si Trompeta sa katulad na kaso at muli nila itong dinakip sa sumbong ng police asset na bumalik ito sa pagtutulak sa ilang lugar sa Laguna.

Ang pagkakadakip kay Trompeta ay sa bisa ng search warrant na inisyu ng tanggapan ni Judge Divina Gracia Ongkeko, executive judge ng RTC Stam Cruz , Laguna.

Ang suspek ay nakakulong na sa Victoria police custodial cell at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A.9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. ARMAN CAMBE