Patuloy sa pagsulat ng kasaysayan sa wine making sa bansa ang Novellino Wines. Sa pagdiriwang nito ng ika-dalawamput-limang taon anibersaryo, bagong yugto na naman ang masusulat sa pahina nito.
Kasama ang buo niyang pamilya, nagpasalamat ang Chief Executive Officer at Founder ng Novellino Wines na si Vicente ‘Nonoy’ Quimbo sa mga partners, guest at media sa anniversary celebrations ng kanyang kumpanya na ginanap sa winery nito sa Calamba, Laguna noong October 17, 2024.
Ibinida ni Nonoy ang matamis na tagumpay ng Novellino, kasama ang kanyang dalawang anak na sina Chris Quimbo, Novellino President and General Manager at Carlos Quimbo, Director and Chief Strategy Officer. Sa katunayan, nakakuha ng market share na 41.6 percent ang wine brand sa light grape wine category noong nakaraang taon 2023, mas mataas sa market share nito na 38.4 percent noong 2019. Huling-huli ni Nonoy ang kiliti ng mga Pinoy na mahilig sa matatamis na pagkain. Kaya naman pumatok sa panlasang Pinoy ang sweet and rich taste ng Novellino. Mayroon na rin itong 17 variants; dalawa dito ay non-alcoholic wines. Ayon kay Nonoy, na-produce ang non-alcoholic wines nito noong pandemya. Ito ang dahilan kung bakit hindi natigil ang production nito.
Ikinuwento rin niya ang mga pinagdaanan niya sa kanyang negosyo. Na noong una ay marami ang kumuwestyon sa kanyang desisyon na pasukin ang wine making, lalo na’t mas tinatangkilik ng mga Pinoy ang gin at beer. Pero dahil buo ang kanyang vision, ipinanganak ang Novellino noong 1999. Mula sa una nitong 300-square meter winery sa Valenzuela City, inilipat ito noong 2012 sa kasalukuyan nitong 1.3 hectare manufacturing plant sa Carmelray Industrial Park sa Laguna.
Samantala, ipinakita ni Chris Quimbo ang facility sa mga guest at media na kung saan ibinahagi niya ang limang proseso ng wine making – Fermentation, Centrifugation, Three-stage micro filtration, Chilling at Bottling. Sumentro ang facility tour sa modern equipment na ginagamit sa Centrifugation – ito ang Alfa Laval centrifuge mula sa Sweden. Ayon kay Chris, isa ang Novellino sa mga winery sa buong Asya ang may ganitong state of the art equipment. Dagdag pa niya, “this facility has the capacity to produce 30,000 liters of sweet wine per batch.” Ngayon, hindi na lang tuwing Pasko o malaking okasyon ang Novellino Wine.
“Novellino has made winemaking, drinking, and appreciation part of the growing cultural movement in the Philippines,” pahayag ni Chris.
Highlight ng facility tour ay ang ginanap na ribbon cutting na pinangunahan ng buong Quimbo family, kasama ang special guest na si dating Senador Manny Villar.
“We really want to have a sustainable company to meet the increasing demands of the market.” saad ni Nonoy. “We have already captured the hearts of the Filipinos. And this time, we want to make the brand known globally.”
Matapos ang facility tour, muling nagpasalamat ang founder ng Novellino wines sa lahat ng mga dumalo sa kanilang silver anniversary celebrations sa pamamagitan ng wine toast.
“We take pride in the workmanship and craftsmanship involved behind every Novellino bottle. A big toast to Novellino!,” pagtatapos ni Nonoy.