NOVEMBER GIRL VILMA SANTOS

ROSA Vilma Tuazon Santos-Recto ang tunay niyang pangalan at isinilang siya noong November 3, 1953. Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa nag-iisang Star for all seasons Filipino actress and politician na ito sa Pilipinas?

Kahit anong role ang ibigay mo sa kanya, kayang-kaya ni Ate Vi, isa siyang tunay na versatile actress kaya naman kahit ilang dekada na siyang sikat, hindi pa rin nalalaos. Kaya nga “Star for All Seasons,” di ba?

Siya ang Queen of Queens, Grand Slam Queen, at Longest Reigning Box Office Queen of Philippine Cinema. At nakalimutan ko, Burlesk Queen pa nga pala.

Kinilala siya sa mga foreign critics na Grand Dame of the Philippine Film Industry sa 2013 Toronto International Film Festival. Siya ang kauna-unahang aktres na nakatanggap ng ganoong titulo.

At isipin na lang — nagsimula siya bilang child actress noong 1963 sa pelikulang Trudis Liit. Mind you, nakuha niya agad ang FAMAS Best Child Performer award. FAMAS Best Actress din siya noong 1972 sa Dama de Noche. Naging Darna pa ng apat na beses.

Nang itatag niya ang VS Films noong 1978, siya ang producer at bida sa Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak (1978), na nagbigay naman sa kanya ng FAMAS Best Picture at Best Actress awards. Best Picture din ito sa Gawad Urian.

Bilang politician, 9 years siyang naging Batangas governor at 9 years din na mayor ng Lipa City. Naging mambabatas din siya sa 6th District of Batangas noong 2016. Pinatatakbo siya sa Senado noong 2019, pero ayaw niya. Ang pinaka mataas na posisyong nahawakan niya sa House of Representatives ay House Deputy Speaker mula 2019 hanggang 2022.

Si Vilma Santos daw ang considered most lastingly successful Filipino film and television actress of all time at kinilalang greatest movie actress of the Philippines for the years 2000 to 2020 by the Philippine Entertainment Portal dahil sa kabila ng mga kontrobersyang kanyang kinasangkutan ay nananatili pa rin siyang artista, na nagkamit ng napakaraming award. Consistent ding box-office ang kanyang mga pelikula sa loob ng anim na dekada.

Nag-semi-retire siya sa showbiz nang pumasok siya sa politika noong 1990’s pero siya pa rin ang nakakuha ng pinakamaraming best actress awards so far sa 21st century.

Accidental actress lang daw si Ate Vi. May mga tiyuhin siyang cameraman sa Sampaguita Pictures, at kinumbinsi nila ang kanyang inang mag-try siya sa pelikula. Dapat sana ay kasama siya sa pelikulang Anak, Ang Iyong Ina (1963), pero nang nasa studio na siya, nakita niya ang mahabang pila ng mga batang babae na akala niya ay pila para sa pelikulang dapat ay kasama siya — at para pala ito sa Trudis Liit (Little Trudis). The rest is history.

Kaye VN Martin