LOS ANGELES – Muling pinapirma ng Dallas Mavericks si Dirk Nowitzki kung saan ang German star ay magiging unang player sa kasaysayan ng NBA na maglalaro sa ika-21 sunod na season sa parehong koponan.
Sasalang si Nowitzki sa kanyang ika-21 season sa Dallas na magiging isang NBA record para sa isang player sa parehong franchise. Ang naunang record na 20 ay hawak ni Kobe Bryant sa Los Angeles Lakers.
Walang detalyeng inilabas hinggil sa deal na inanunsiyo sa website ng koponan noong Lunes.
Ang tubong Wurzburg, Germany ay ninth overall pick sa 1998 entry draft at kinuha ng Mavericks sa pamamagitan ng trade sa Milwaukee Bucks.
Ang 13-time all-star Nowitzki ang pinakasikat na Maverick sa franchise history. Itinanghal siyang Most Valuable Player ng 2006-07 season at MVP ng 2011 NBA finals.
Si Nowitzki, nagdiwang ng ika-40 kaarawan noong nakaraang buwan, ang tanging international player ng liga na may mahigit 30,000 career points.
Comments are closed.