NOY, ABAD ET AL. PINAKAKASUHAN PA SA DENGVAXIA

PINAKAKASUHAN na ng House Committee on Good Government and Public Accountability sina dating pangulong Noynoy Aquino, da­ting Budget Sec. Butch Abad at dating Health Sec. Janette Garin kaugnay sa Dengvaxia vaccine controversy.

Sa rekomendasyon ng komite, pinasasampahan ng kaso sina Aquino, Abad at Garin ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Kasama rin sa pinakaka­suhan ang mga miyembro ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) Bids and Awards Committee na sangkot sa procurement at implementasyon ng vaccination program.

Lumabas sa imbestigas­yon ng joint committee na nagkaroon ng sabwatan ang mga nasabing opisyal para matiyak na mabibili ang malalaking bulto ng Dengvaxia vaccine na ginamit sa mga mag-aaral sa National Capital Region at Region III at IV.

Napatunayan din ng komite na nagkaroon ng shortcut sa proseso para pabo­ran ang Sanofi Pasteur, na manufacturer ng dengue vaccine.

Maliban dito, pinakakasuhan din ng technical malversation sina Aquino, Abad, Garin at Dr. Julius Lecciones dahil wala sa 2015 General Appropriations Act ang pondo para sa pagbili ng Dengvaxia vaccine at hindi rin kasama sa Expanded Immunization Program ng DOH noong 2015 ang dengue vaccine.

Nahaharap din sa grave misconduct ang mga nabanggit na opisyal kahit pa ang ilan sa mga ito ay wala na sa gob­yerno.        CONDE BATAC

Comments are closed.