THAT’S his decision.
Ito ang reaksiyon ng Malakanyang kaugnay sa kumpirmasyon na hindi makararating si dating Pangulong Benigno Aquino III sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 23.
Ang pahayag ay ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabing iginagalang ng Malakanyang ang desisyon ng dating Pangulo na hindi dumalo sa nasabing okasyon.
Nabatid na aabot sa 3,000 ang pinadalhan ng imbitasyon para sa naturang okasyon at kabilang sa nagkumpirma ng kanilang pagdalo ay sina Vice President Leni Robredo at mga dating Pangulong Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo na kasakuluyan ding Pampanga representative.
Magugunita na sa nakalipas na dalawang SONA ay hindi rin sumipot sa dating Pangulong Aquino. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.