HANDS off ang Malakanyang sa desisyon ng Korte Suprema na bawiin na ang temporary restraining order (TRO) kaugnay sa kasong isinampa laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa anti-terrorism operation sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 2015.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakarating na sa kanilang kaalaman ang ginawang pagbawi sa TRO kaugnay sa kasong graft at usurpation of authority charges laban kay Aquino kung saan 44 na miyembro ng Special Action Force ang nasawi sa insidente.
“In accordance with the policy that has long been practiced by this Administration, we refuse to comment on the action undertaken by the Supreme Court, which belongs to a separate and independent branch of government from ours. We cannot and we do not intend to interfere with the functions of other branches which are distinct from the Executive,” paliwanag ni Panelo.
Base sa desisyon ng SC, binabawi na nito ang TRO para sa Mamasapano trial na kinasasangkutan ni Aquino, ibig sabihin ay maari na itong isalang sa pagdinig.
Tiwala ang Malakanyang na magagampanan ng Office of the Ombudsman at ng Sandiganbayan ang pagresolba sa usapin base sa kani-kanilang mandato.
Nauna nang hiniling ni Ombudsman Samuel Martires sa 4th Division ng anti-graft court ang pagbawi sa kasong graft at usurpation laban kay Aqui-no.
Ayon kay Martires, walang sapat na ebidensiya upang ipagsakdal si Aquino ng dalawang nabanggit na kaso, subalit nilinaw ng Ombudsman na ang kanilang pag-withdraw sa mga kaso ay walang magiging hadlang sa paghaharap ng panibagong kaso makaraang magsagawa ng panibagong prelimi-nary investigation.
Iginigiit ng pamilya at kamag-anak ng SAF 44 na dapat papanagutin si Aquino ng kasong reckless imprudence resulting in homicide na may kalakip na mas mahabang pagkakakulong. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.