NPA FIGHTER UTAS SA SAGUPAAN

famy

LAGUNA – ISANG miyembro ng New People’s Army terrorist ang napatay ng mga sundalo kasunod ng naganap na sagupaan sa Famy sa lalawigang ito ka­makalawa.

Ayon sa Philippine Army nakasagupa ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division (2ID) ang isang grupo ng Communist Terrorist Group (CTG) sa liblib na lugar sa bayan ng Famy habang nagsasagawa ng combat security operation ang 202nd Infantry Brigade.

Kasunod ito ng sumbong ng mga lokal na naninirahan sa lugar hinggil sa presensya ng mga armadong kalalakihan na nagsasagawa ng extortion activities sa  Sitio Sigsigan sa  Barangay Bacong.

Sinasabing  pinaputukan ng mga armadong kalalakihan  ang mga rumerespondeng sundalo kaya nagkaroon kaagad ng engkwentro bago nagpasyang tumakas.

Wala namang nasaktan sa hanay ng mga sundalo subalit sinasabing isang babaeng NPA ang inulat na nasawi na kinilalang si Agnes Lingay, kilala rin bilang alyas  Jimy, Judy, at  Esek sa underground movement.

Nabawi sa bisinidad ng encounter site ang isang short firearm na may magazine na may anim na  live ammunition,  backpack, isang handheld radio, headset, at  assorted medicines at  personal belongings.

“The support of our fellow citizens is a testament to their confidence in our efforts to maintain peace and security. Rest assured, we remain committed to protecting our communities and responding promptly to any threats that endanger their safety and well-being,” pahayag ni 2ID commander Maj. Gen. Cerilo Balaoro Jr.

VERLIN RUIZ