AURORA – SA katatapos na Municipal Peace and Order Council (MPOC) inaprubahan ang Resolution No. 5, na nagdideklara sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na Persona Non Grata sa bayan ng Dingalan, sa nabanggit na lalawigan.
Ayon kay Mayor Shierwin H. Taay na siyang presiding officer na kasama sa mga lumagda sa resolusyon ang hepe ng pulis at sangguniang bayan at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) inilabas ang Memorandum Circular No. 2018-211 known as Prohibition of Support to Left Wing Rebel Group and Executive Order No. 70.
Sinabi naman ni Major General Lenard T. Agustin AFP, Commander of the Army’s 7th Infantry Division, na nakakatuwa ang ginawang deklarasyon laban sa mga rebelde, dahil makatitiyak na unti-unti nang mawawala ang presensya nila sa mga kanayunan at wala na ring dapat ipangamba ang mga residente sa lugar.
Samantala, tiniyak naman ni Lieutenant Colonel Jose Mari F. Torrenueva, Commanding Officer 91st Infantry (Sinagtala) Battalion, na mananatili ang suporta ng militar sa kanilang mga nasasakupan.
Bunsod nito’y hinimok ni Gen. Agustin, ang mga mamayan sa gitnang Luzon na manatili ang kooper-asyon sa pagbibigay ng mga impormasyon laban sa mga kalaban ng estado, partikular sa communist terrorist. THONY ARCENAL
Comments are closed.